Willie Revillame Loses 120 Million in Casino?

Magpapasko na, pero ang magarang bahay na ‘yon sa isang exclusive subdivision sa Quezon City ay hindi na napalamutian ng diwa ng Pasko.

Nu’ng araw daw, November pa lang, ang bahay na ‘yon ay Pasko na ang ambiance.

Walang pakialam ang may-ari ng bahay kung magkano ang abuting Meralco bill basta ang importante, lahat ng mga kapitbahay, pag nadadaan doon ay hindi puwedeng hindi mapalingon sa ganda ng mga dekorasyon at Christmas lights.

Pero ngayong taon, baligtad na. Ito na raw ang pinakamalungkot na bahay sa subdivision.

Mukhang sa pagpapahinga raw ng career ng may-ari ay kasabay na ring nagpahinga ang sigla ng bahay na ‘yon.

Kaya ang huli naming balita, ang naturang bahay na binili nu’ng araw ng P80M na dinagdagan pa ng pagpapa-repair nito at pagpapaganda sa halagang P100M ay up for sale na.

Ibinebenta na diumano ito sa halagang P250M. Pero sabi ng aming source, Baka malabong mabenta nang P250 ‘yan.

Baka ibenta na rin nang mababa pag kailangang-kailangan na niya ng pera.

In fairness naman, meron ding ilang pagkakataong nananalo si Willie, pero mas lamang daw ang talo kesa panalo.

At oo nga naman, tama naman si Willie sa ilang sinasabihan niyang pera niya ang ginagastos at ipinangka-casino niya, hindi pera ng bayan o ng ibang tao.

Kunsabagay, ano ba naman ang pakialam natin, hindi ba?

Eh, kung super close lang kami dito ay baka hindi namin siya tigilan hangga’t hindi siya tumitigil sa kanyang bisyong sugal.

Sobrang nalulungkot kami’t nanghihinayang.
Pero kung ang lahat ng kuwentong ito na nakararating sa amin ay totoo, sana nga ay mapagtanto ni Willie na hindi makabubuti sa sakit niya sa puso ang pagpupuyat at pag-iisip kung makakabawi siya sa mga milyones na kanyang ipinapatalo.

Wag na sana niyang hintaying dumating ang panahong ma-realize niya na ang lahat ng success at rangya niya sa buhay ay isa lamang panaginip at balik na naman siya sa dating wala.