Jodi Sta. Maria is Allegedly 2 Months Pregnant?

Maging dahilan na kaya ang tsismis na buntis si Jodi Sta. Maria para matuloy na ang kasal nila ni Jolo Revilla sa abroad?

Malakas kasi ang ugong na dalawang buwan na raw preggy si Maya ng programang ‘Please Be Careful.’

Wala naman daw masama kung buntis ang aktres na maba­ngong-mabango ang career dahil sa serye nila ni Richard Yap dahil alam naman ng buong bayan na magkarelasyon sila ni Jolo.

Sa abroad lang daw puwedeng pakasal ang dalawa kung saka-sakali dahil hindi pa pala naa-annull ang civil wedding nila sa bansa ni Pampi Lacson, anak ni Sen. Panfilo Lacson.

Bago raw kasi ikinasal sa Las Vegas sina Jodi at Pampi, nagpakasal muna sila sa bansa. Eh ‘yung kasal lang daw sa Amerika ang annulled na.

At ang twist of faith pa, ninong noon nina Pampi at Jodi si Sen. Bong Revilla nang ikasal sila sa Vegas.

Ngayon magiging manugang na nga raw ni Sen. Bong si Jodi.

Nauna nang nagkaanak sa iba si Pampi, sa starlet na si Iwa Moto.

Hindi naman siguro maglilihim sina Sen. Bong Revilla at Rep. Lani sa kalagayan ng kanilang mamanugangin sakaling totoo.