John Lloyd Cruz & Toni Gonzaga Mark their On-screen Reunion in a Sitcom

After their team up in the movie, ‘My Amnesia Girl in 2010,’ John Lloyd Cruz and Toni Gonzaga will mark their on-screen reunion in ‘Home Sweetie Home.’

Cruz and Gonzaga will portray the characters of a married couple who lives under the same roof with the wife’s family.

The ‘Home Sweetie Home’ airs every Sunday starting January 5.

Ito ang first sitcom nila together at una ring pagsa-sama sa telebisyon kaya pareho silang excited.

Sa presscon nga held last Friday night, ayon sa dala-wang bida, in a way ay very timely ang comedy show na ito dahil na rin sa pinagdaanang sunud-sunod na matitinding trahedya ng bansa.

Gusto ng Kapamilya network na sa pamamagitan nito ay maibalik ang tuwa at ngiti sa mga kapamilya natin na may pinagdaanan this year.

Iisa lang naman ang wish naming lahat, mapasaya namin sila sa sandaling panahon na mapanood nila ang Home Sweetie Home at maibigay namin ‘yung hinahanap nila sa isang programa, say ni Toni.

Mag-asawa ang role dito nina Toni and John Lloyd at aminado naman ang TV host/actress na at first ay may ilangan since ngayon lang sila ulit nagkasama after their first movie.

Say ni Toni, talagang lagi raw siyang kinakabahan sa sweet scenes nila ni Lloydie lalo na kapag medyo dumidikit na and mukha ng aktor sa kanya.

First ever sitcom nina Lloydie at Toni ang Home Sweetie Home. Although mas bihasa ang TV host-actress sa larangan ng pagpapatawa, sa panig naman ni JLC, masusubukan ang husay niya sa aspetong ito lalo na’t mas kilala siya bilang isang intense dramatic actor

Gaya ni Lloydie, first time din ni Toni na gumanap ng role ng isang may asawa.

‘Mahirap pala! Doon lang siya nahirapan.

Meron lang ni-require bilang mag-asawa kami at binigay ko naman, sabi ni Toni.

May kissing scene ba sila bilang mag-asawa ang role?

Sa January 5, Linggo, ang pilot telecast ng HSH at bukod kina Lloydie at Toni, nasa cast din ng sitcom sina Rico J. Puno, Sandy Andolong, Joross Gamboa, Jayson Gainza, Miles Ocampo, Mitoy Yonting, Ryan Bang at iba pa.

Mula ito sa direksyon ni Bobot Mortiz.