Is Willie Revillame’s Pastime Now is Playing Casino?

Some say naman na kaya natsugi ang noontime show ni Willie Revillame sa TV5 because sobrang lugi na ang istasyon sa kaniya.

Si Revillame lang daw ang kumikita but the network has lost so much money.

Whichever is true here, the fact is, his show is gone.

Golf…paglalayag gamit ang kaniyang mga yate…travels, what else? Iyan daw ang naging bisyo ni Willie Boy ngayon.

Ikaw ba naman ang magkamal ng napakaraming pera – ano naman ang puwede mong gawin?

No! Parang nalululong yata ngayon si Willie sa casino, di mo ba alam? someone whispered to me na talagang ikina-shock ko, ha! Wala kasi kaming nababalitaan tungkol dito.

Sa buwan ng October, maniwala ka bang natalo siya ng P120 million sa casino?

He’s been losing so much money kaya ang Will’s Events niya at isang mamahaling kotse ay naibenta na niya ng P200 million.

A reliable source said, that is too much money to lose, my gosh! Totoo ba iyan? Baka naman paninira lang iyan kay Willie Boy.

Kasi, nandoon na tayo, halimbawa, nagdidibersiyon siya sa casino, pero baka hindi naman ganoon kalaki kung magpatalo siya.

May araw na talo siya ng P5 million. May araw na talo siya ng P15 million.

Pinakamaliit na naipatalo niya yata sa isang araw ng October ay P3 million,” kuwento pa ng kausap natin. Just for the sake of argument, halimbawa ma’y totoo ito, natatakot ako for him.

Ayokong isiping one day ay bumalik siya sa dati niyang katayuan sa buhay. Huwag naman sana. Hope Willie wakes up becuse it is not too late pa naman.

Hindi naman sa nagmamalinis, kami, we also play slot machines sa casino and we lose money too pero hindi naman ako natatalo ng milyun-milyon!

Kami nga, sumasakit na ang ulo pag natatalo ng P10,000, what more kung P120 million pa? We still pray na sana’y tsismis lang ito at may gusto lang gumawa ng issue about Willie.

But just the same, concerned lang kami sa kanya kaya gusto namin siyang palalahanan. Ano ba naman ‘yung i-share na lang sa atin ang kanyang pera, di ba? Ha-hahaha!

Mapakinabangan man lang kesa naman mapunta lang sa casino. Ha-hahaha! Joke lang! Pero pag tinotoo ni Willie, okay lang.